Una sa Balita

Ibang mukha ng Caloocan

0 1,047

Nakakagulat ang mga pagbabagong nangyayari sa Lungsod ng Caloocan na nakilala natin bilang magulong lugar.

Isa ang Lungsod ng Caloocan sa mga lugar sa Metro Manila ang matatawag na magulong lugar dati.

Pero sa pagbisita natin kamakailan lamang sa lungsod ay namangha ang inyong lingkod.

Ibang-iba na ang Caloocan. Unang-una, sa city hall pa lamang ay magugulantang ka na.

Napakaganda po ng kanilang city hall. Napakalinis at mukhang mamahalin kaya mahihiya kang magkalat. Nanaisin mo ring tumambay na doon dahil napakalamig, bukod pa sa mabati at magalang ang mga makakasalamuha mong mga tao.

Nagkaroon din tayo ng pagkakataong pas­yalan ang iba’t ibang tanggapan sa city hall ng lungsod, sorry to say walang panama ang ibang city hall na aking napasyalan sa ganda at aliwalas ng kanilang bagong bahay pamahalaan.

In fairness din kahit city hall ito at dinarayo ng marami para asikasuhin ang ilan nilang mga pangangailangan ay hindi mo ito makikitaan ng pagsisikip sa daloy ng trapiko.

Maluwag po ang trapiko sa paligid ng city hall, kaya madaling puntahan. Hindi katulad ng ibang city hall na mauubos ang oras mo sa paghahanap ng paradahan.

Isa pang bagay na talagang ginulat ako sa aking pagbisita sa city hall ay ang kanilang opisina sa Caloocan City Risk Reduction Management Office. Mapapanganga ka sa moderno nilang mga kagamitan.

Walang-wala ulit sa mga tanggapan ng ilang local government units na ating napasyalan.

Napakahusay ng kanilang mga gamit na pang-monitor sa mga kaganapan sa kanilang lungsod.

Kaya sa magagandang nangyayari nga­yon sa Caloocan, ewan ko lang alam kong may iba pang politikong maglalakas-loob na kalabanin si Mayor Oscar Malapitan sa susunod na eleksyon.

Papaano naman, padalawang termino pa lamang siya bilang mayor ay matinding pagbabago na talaga ang nagawa niya para sa lungsod.

Hindi pa natin napapasyalan ang sinasabi nilang bagong sports complex at bonggang ospital na modernong-moderno, malamang gugulatin din tayo sa sandaling mapasyalan natin ang mga ito.

Sabi nga ng mga tauhan ni mayor, dapat lamang naman na maganda ang city hall dahil may pera namang pupuwedeng gamitin sa pagpapaganda.

Ayan ha, ibig sabihin gastusin niyo para sa kapakanan ng mga taxpayers ang kinikita ng city hall at hindi sa inyong mga personal na pangangailangan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy