Una sa Balita

Gabby ‘papansin’ na naman kay Sharon

By
Gabby Concepcion at Sharon Cuneta
0 2,491

Kung sobrang emotional ang naging birthday message ni Sen. Kiko Pangi­linan sa 52nd birthday ni Sharon Cuneta, sweet naman ang mensahe ng dati niyang asawang si Gabby Concepcion.

In-upload ng Kapuso actor sa kanyang IG ang ilang screenshots ng mga litratong kuha naman ng kanilang anak na si KC Concepcion tungkol sa birthday celebration ng megastar.

Simpleng ‘Happy birthday!’ lamang muna ito, pero ang pangalawang pagbati nito sa kanyang ex-wife ay may dagdag na mensahe na, ‘Safe from all the storms’!

Siyempre, touching­ ito para kay Mega lalo na at inamin mismo nito at ng kanyang asawang si Sen. Kiko na maraming bagyo nga ang pinagdaanan ng kanilang buhay mag-asawa noon pati na rin ang pag-amin ni Sharon na muntik na silang maghiwalay noong na­karaang taon.

Ang mensahe ni Gabo ay very inspiring para sa kanyang dating asawa na nagpapakita lamang na sa kabila ng pinagdaanan din nila ay nanatiling maganda ang kanilang relasyon ngayon

Samantala, maram­i ang nakapuna sa ma­laki na rin ng ibinawas na timbang ni Shawie na mas lalong ‘sumeksi’ nga ngayon. Tala­gang seryoso ito sa kanyang weight loss goal lalo na nga’t bomongga ulit ang kanyang acting career.