Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

101 sako na rekado sa dinamita nasabat

0 43

Nasa 101 sako ng ammonium nitrate na sangkap sa paggawa ng dinamita na ginagamit sa iligal na pangingisda ang nasabat ng pulisya habang nakatakda sana itong ikarga sa bangkang de motor sa Sitio Bitlig, Brgy. Daraga sa bayan ng Placer, Masbate, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Patuloy namang pinaghahanap ang tumakas na suspek na sina Jesus Casinillo, 50, at Onel Alburo, 36, kapwa residente ng nasabing bayan.

Sa naantalang ulat kahapon ng Masbate Police Provincial Office sa Camp Crame, nasabat ng mga tauhan ng 502nd Maritime Police Station, Placer Municipal Station at CIDG-Masbate Provincial Field Unit ang sako-sakong ammonium nitrate nitong Hunyo 3, alas-5:45 ng madaling araw sa tabing dagat sa Brgy. Daraga sa bayan ng Placer, Masbate.

Mahigit sa P600,000 ang nakumpiskang ammonium nitrate na ginagamit ng ilang mangingisda sa lugar sa pamamagitan ng dynamite fishing. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.