Una sa Balita

100K trabaho binuksan sa Build, Build, Build program

By
0 2,269

Pormal na binuksan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang programa nitong ‘Build, Build, Build’ na nasa mahigit 11,000 trabaho ang inilaan sa mga naghahanap ng trabaho.

Ang ‘Jobs, Jobs, Jobs’ portal ang siyang maaa­ring puntahan ng mga interesadong aplikante na naghahanap ng pagkakakitaan.

Maaaring silipin ito sa ‘www.build.gov.ph’ at maaaring makapag-apply ang mga nagnanais magtrabaho sa 10 contractor na nangangasiwa sa mga infrastructure project ng pamahalaan.

Ayon sa DPWH, hindi lamang mga Filipino sa bansa ang maaaring sumubok mag-apply dahil bubuksan din ito sa mga Filipino professional na nasa ibang bansa.

Asahan din ayon sa DPWH na madaragdagan pa ang job posting sa na­turang website bilang target nitong magbukas ng mahigit 100,000 trabaho sa ilalim ng P8 trillion na budget na pondo ng administrasyong Duterte sa ‘Build, Build, Build’ prog­ram hanggang 2020.