Una sa Balita

10,000 trabaho pasalubong ni Digong galing China

By
0 916

NAKABALIK na sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang biyahe sa China at Hong Kong.

Sa kanyang mensahe pagdating sa Davao International Airport kahapon ng mada­ling-araw, masayang ibinalita ng Pangulo ang naging bunga ng kanyang pagdalo sa Boao Forum for Asia sa Hainan, China.

Ayon sa Pangulo, 10,000 trabaho ang malilikha ng siyam na napirmahang business agreement na nagkakahalaga ng 9-8 billion dollars investments.

Bukod pa aniya rito ang mga kasunduang nilagdaan ng Pilipinas at China sa kanilang bilateral meeting ni Chinese President Xi Jinping.

“The nine business agreements signed during my visit yiel­ded and estimated of 9 to 8 billion dollars in investments. These are projected to generate more than 10,000 jobs of our countrymen and women,” sabi ng Pa­ngulo.

Sinabi pa ni Pa­ngulong Duterte na ipagpapatuloy nito ang diplomasya at magandang ugnayan sa ibang bansa para maisulong ang ekonomiya at pangkaligtasang interes ng Pilipinas.

“I reiterated the Philippines’ commitment to do more to encourage greater investments into the country,” dagdag pa ng Pangulo.