Una sa Balita

1,000 tripulante, stranded sa Bicol dahil kay ‘Crising’

By
0 4

Nasa 1,000 pasahero ang stranded sa mga pantalan sa Bicol Region dahil sa bagyog ‘Crising’.

Sa inisyal na ulat ng Office of Civil Defense (OCD) ng Bicol, ang mga stranded na tripulante ay nasa mga pantalan at pier sa Albay, Sorsogon at Camarines Sur.

Naunang naglabas ng anunsyo ang OCD para kanselahin ang mga biyaheng papuntang Visayas at Manila matapos magtaas ng babala ng bagyo ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kaninang umaga.

Sa unang babala ng Pagasa, itinaas ang public storm warning signal No. 1 sa labing-anim na lugar, pero binawasan ito at naging apat na lamang ang nasa typhoon signal category kaninang alas-5:00 ng hapon – ito ang Northern Cebu, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran at Leyte.

Ayon sa OCD, papayagan lamang maglayag ang mga barkong aalis ng Bicol Region, oras na ibaba ng Pagasa ang babala ng gale warning.