Una sa Balita

1,000 kilo ng puslit na karneng baboy nasabat sa NAIA

0 352

AABOT na sa higit isang libong kilo ng karne ng baboy ang naharang ng Bureau of Customs (BOC) sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang mga nasamsam na pork meat ay pumasok ngayong Enero ng kasalukuyang taon.

Sa statement ng BOC, kabuuang 1,151 kilo ng pork meat na walang sanitary at phytosanitary clearance ang nasamsam sa pinaigting na pag-iinspeksyon ng Customs sa NAIA.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga meat product mula sa 13 bansang apektado ng African Swine Fever (ASF).
Kabilang dito ang China, Hungary, Belgium, Latvia, Poland, Romania, Russia, Ukraine, Bulgaria, Czech Republic, Moldova, South Africa, at Zambia.

“Customs NAIA has been consistent in protecting our industry from any possible swine and agricultural epi­demic,” bahagi ng pahayag ng BOC.

Iniulat din ng ahensiya na mula Hunyo hanggang Disyembre ng nakaraang taon bago ang outbreak ng ASF, aabot sa 5,302 kilo ng mga meat product na walang clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA) at Bureau of Animal Industry (BAI) ang nasamsam ng BOC-NAIA at iti­nurn-over sa BAI Quarantine Division.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy