Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

100 stranded OFWs sa Bahrain nasa Pinas na

0 220

Balik-bansa na ang tinatayang isandaang bilang na mga stranded na overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Bahrain.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang nasabing bilang ng mga OFW ay nakalapag na sa Pilipinas noong Enero 1, 2022 sa isang special repatriation flight.

alinsunod naman sa ipinatutupad na health protocols ng bansa ay kailangan munang sumailalim

sa facility-based quarantine kabilang na ang COVID-19 RT-PCR test sa mga bagong dating na OFWs.

Kasabay nito ay pinasalamatan naman ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola ang mga partners ng gobyerno, mga ahensya ng pamahalaan at mga private sectors na nagtulong-tulong upang maisakatuparan ang repatriation flights ng nasabing mga OFW.

Leave A Reply

Your email address will not be published.