Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

100 Pinoy sa Afghanistan susunduin

0 206

Inaayos na ng pamahalaan ang pagpapauwi sa 100 Pilipinong hindi pa nakaalis sa Afghanistan.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief Hans Leo Cacdac na nakikipag-usap na sila sa mga kompanya ng eroplano para maiuwi ang mga natitirang Pinoy sa Afghanistan.

Tiniyak naman ni Cacdac na nasa isang ligtas na lugar ang mga Pinoy sa nabanggit na bansa habang naghihintay na makauwi sila sa Pilipinas.

Maging ang mga employer aniya ng mga nasabing Pinoy ay gumagawa na rin ng paraan para ligtas na makalabas agad ang mga ito sa Afghanistan.

Nagsimulang mag-alisan sa Afghanistan ang mga dayuhan at maging ang mismong mamamayan nito matapos na makabalik sa kapangyarihan ang Taliban. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.