Una sa Balita

100 pasahero naperwisyo ng aberya sa LRT-1

By
0 1,066

Limitado kahapon ang biyahe ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) nang magka-problema dahil sa sup­lay ng kuryente.
Sa abiso ng LRT-1, nabatid na kinaila­ngang ihinto ang sup­lay ng kuryente upang a­yusin ang isang nasi­rang electrical wire sa bahagi ng Libertad Station sa Pasay City, dakong alas-sais nang umaga.

Dahil dito, tinata­yang 100 pasahero ang pinababa muna sa nasabing estasyon.

Naging dahilan umano ito para malimitahan ang biyahe ng mga tren ng LRT-1 sa pagitan ng United Nations station sa Maynila at Roosevelt station sa Quezon City.

“ADVISORY UPDATE as of 10:00 am: Still on limited operation between UN Avenue and Roosevelt stations. Our technicians are currently working on a damaged electrical wire near Libertad station,” abiso pa ng LRT-1 ma­nagement.

Ang LRT-1 ay nagseserbisyo sa mga mananakay sa Roosevelt, Quezon City hanggang sa Baclaran, Parañaque City at pabalik.