Una sa Balita

100 pamilyang naka-home quarantine, nasunugan

0 356

Nasa isandaang pamilya na naka-home quarantine ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa Barangay Talon 4 sa Las Piñas City nitong Martes ng madaling-araw.

Base sa report ni Las Piñas Fire Marshal Supt. Arthur Sawate, dakong alas-12:00 ng hatinggabi nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Elmer Sisista sa Everlasting St. Barangay Talon nang nasabing lungsod.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Sinabi ni Sawate, patuloy pa nilang inaalam kung may katotohanan ang impormasyon na may isang pamilya ang nag-aaway bago nangyari ang sunog.

Dahil dito pinaalala ni Sawate na dahil naka-home quarantine, iwasan ang sala-salabat na kuryente dahil may posibilidad na mag-overload ito lalo na ngayong panahon ng tag-init.

Umabot ng ikatlong alarma ang sunog at makalipas ang dalawang oras dakong alas-2:30 ng madaling araw ay idineklara itong fire out.

Wala namang naiulat na nasawi at nasugatan sa naganap na sunog habang ang 100 pamilya na naapektuhan ay pansamantalang dinala sa mga covered court at sa mga barangay halls at bibigyan ng tulong ng pamahalaang lungsod ng Las Pinas. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More