100 pamilyang ‘Agaton’ survivor tinulungan ng mga jail guard

Naghatid ng pag-asa ng pagbangon ang mga miyembro ng Cebu City Jail Male Dormitory (CCJMD) sa 100 pamilya na nakaligtas sa pananalasa ng bagyong ‘Agaton’.
Ito’y makaraang magpadala ang CCJMD ng 100 set ng iba’t ibang mga kagamitang panluto para maayos na makapagluto ng pagkain ang mga pamilya na pansamantalang nananatili sa evacuation center, makaraang mawasak ang kanilang tirahan.
Galing sa mga barangay ng Higoloan, Cambungan, Gubang, at Bobon sa Baybay, Leyte ang mga pamilya na natulungan ng CCJMD. Kabilang sa kanilang ipinamigay ay mga portable stove, butane canisters, at mga plato.
“Just like everyone else, Jail Officers of Cebu City Jail Male Dormitory want the best for every family in the community especially those who are victims of calamities and circumstances; for even a small act of kindness can make a difference,” ayon sa Facebook post ng CCJMD.
Sa pamumuno ni Jail Supt. Jose RusylviAbueva ginawa ng CCJMD ang relief assistance na ito upang masiguro na magkakaroon ng kagamitan na magagamit sa pang-araw-araw ang mga pamilyang biktima ng bagyo.