Una sa Balita

100 OFW mula Riyadh pinauwi ng OWWA

0 310

KINUMPIRMA ni Labor Secretary Silvestre Bello III na 101 overseas Filipino worker (OFW) na pansamantalang nanirahan sa embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang pauwi na ngayong Lunes, Setyembre 23.

Ayon sa kalihim ang mga nasabing OFW ay tumakas sa kanilang mga amo habang ang iba ay natapos na ang kanilang kontrata at walang sapat na pera upang makauwi ng bansa.

Sabi ni Bello, tinulungan ng Overseas Workers Welfare Adminis­tration (OWWA) ang mga OFW upang makauwi ang mga ito sa bansa.­

Aniya, ang mga OFW na tumakas sa kanilang mga employer ay bibigyan ng tulong upang makapagsimula ulit at makauwi sa kani-kanilang mga lugar.

Matagal din umanong nanirahan sa embahada ang nabanggit na mga OFW habang ipinoproseso ang kanilang dokumento upang makauwi ng bansa.

(Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy