Una sa Balita

100 migrant nalunod sa Libya

By
0 1,104

AABOT sa 100 migrant ang nalunod sa karagatan ng Libya, kabilang ang tatlong sanggol, matapos tumaob ang sinasakyan nilang rubber boat nitong Biyernes.

Umabot lang sa 14 ang nailigtas sa tumaob ng rubber boat. Mayroon namang 345 migrant ang ibinalik ng Libyan coast guard sa pagtatangkang tumawid ng Europe.

Dahil dito, pumalo na sa 1,000 katao ang nasawi mula Enero hanggang Hunyo 2018 sa pagtatangkang makatawid sa Mediterranean Sea patungong Europe.

Ang Libya ang pangu­nahing transit point patungong Europe ng mga tumakas dahil sa kahirapan at kaguluhan sa Africa at Middle East.

Maluwag ang Libya mula nang magkaroon ng kaguluhan dito noong 2011 na ikinamatay ng diktador na si Moammar Ghadafi.

Samantala, bumuo naman ng bagong plano ang European Union leaders upang salain ang mga migrant mula sa North Africa bago sila payagang makapasok ng Europe.

Kalimitang bumabagsak sa bansang Italy, Greece at Spain ang mga migrant na tumatawid ng dagat matapos silang pabayaan ng iba pang kasapi ng EU.

Pero nitong mga nagdaang linggo, napuno na rin ang Italian go­vernment at isinuka ang mga migrant na sinagip ng barkong pag-aari ng isang non-government organization.