Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

100 karton ng smuggled yosi naharang

0 236

Daan-daang karton ng smuggled na sigarilyo ang nasilat ng pulisya sa karagatang sakop ng Maguindanao.

Sa report ay mahigit sa 100 karton na iligal na yosi mula sa Jolo na sakay ng motor boat ang naharang ng mga tauhan ng Philippine Navy sa 4 nautical miles north east sa bayan ng Datu Blah Sinsuat.

Kasabay nito ay dinakip ang limang crew na sakay ng bangka na kinilalang sina Masillam Sabburani, 45, Asah Hadjirul, 39, Alkabid Jumdaing 26, Kabil Hadjirul 25, at Sman Hadjirul 40 anyos.

Dinampot ang grupo nang walang naipakitang papeles sa Philippine Navy sa pangunguna ni Lieutenant Ariel Mogol sa bitbit nilang kontrabando.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.