Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

100 haircutter bayanihan sa P2M: Vice handa na sa bugbugan kina Jhong, Vhong

0 209

Panay ang tag ng mga fan kay Vice Ganda ng mga video nila nina Vhong Navarro, Jhong Hilario, na kung saan ay pinaglalaruan siya ng mga ito, to the point na binibitbit, inaalog-alog, kinakaladkad siya ng dalawang co-host niya sa ‘It’s Showtime’.

Miss na miss na nga ng mga fan ang kulitan nilang tatlo, at wish nila na muli itong mapanood, dahil iba pa rin ang saya kapag pinaglalaruan nina Jhong at Vhong si Vice.

“Grabe sila, di ba? Ganyan ‘yang mga ‘yan! Kaya nag-aaral na ako ng taekwondo at MMA para pagbalik ni Jhong handa na ako!” sabi ni Vice Ganda.

Anyway, kaabang-abang naman ang “Everybody, Sing” sa susunod na tatlong linggo dahil 100 na songbayanan ang makakasama ni Vice Ganda sa bawat laro na tinaguriang “100 Songbayanan Special” simula ngayong Sabado (Setyembre 25) sa Kapamilya Channel at A2Z.

“Ito ‘yung mga episode na nagawa po namin bago pa nauso ang social distancing nating lahat kaya tutukan niyo ‘yan sa tatlong sunod-sunod na weekends. Isang malaking thank you namin ‘yan for everybody na nakipag-bayanihan sa amin sa saya at sa kantahan,” paliwanag ni Vice.

Unang sasabak ngayong Sabado (Setyembre 25) at Linggo (Setyembre 26) ang 100 songbayanan ng haircutters. Dahil mas marami ang maglalaro, mas marami rin ang games na mapapanood sa dalawang episodes. Mas malaki rin ang premyo na aabot sa P2 milyon sa jackpot round.

Mapapanood pa rin ang “Everybody, Sing” sa Kapamilya Channel at A2Z ng 7 pm tuwing Sabado, habang 7:30 pm ito magsisimula tuwing Linggo hanggang Oktubre 3, pagkatapos ng “Legends of Dawn: The Sacred Stone.” Balik ito sa dating timeslot na 7 pm kada Linggo sa Oktubre 10. Napapanood rin ang “Everybody, Sing” sa Kapamilya Online Live, TFC, at iWantTFC. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.