Una sa Balita

100 entry sa Las Piñas

0 232

MAGANDANG sagupaan ang siniguro sa Fastest Win One-Cock Ulutan ngayon, Sabado, Pebrero 29 sa air-conditioned Las Piñas Coliseum dahil sa nakalistang 100 entry.

Paghahatian ang premyong P50,000 sa pasabong­ na ito ng LPC management. Ang registration fee ay P550.

Bandang alas-9:00 ng umaga sisimulan ang salpukan, ani coliseum manager Alex Tobias.

Sandaang sultada naman ang nakalinya sa Pitmasters Live at puwedeng makisali sa aksyon dito sa 12 Pitmasters kiosks.

Patok din ang Happy Birthday Papa Mayor 3-Cock Derby ni businesswoman Budjit Aguilar sa Marso 12 (Huwebes).

May entry fee ito na P5,500 at P4,400 ang entry fee.

Tawagan lamang ang 8873-1040, 0929-1800960 (Grace 1), o 0915-3582076 (Julius). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More