Una sa Balita

100 distressed OFWs lumapag sa NAIA

By
0 1

Mahigit sa isang daang distressed na overseas Filipino workers na mula sa Jeddah ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kahapon ng hapon sa Pasay City.

Ayon kay Atty. Cesar Chavez, hepe ng Repatriation and Assistance Division ng Overseas Workers Welfare Administration o (OWWA) nasa 110 na OFW ang dumating na dakong alas-tres ng hapon nang lumapag ang kanilang sinasakyang eroplano na Cebu Pacific flight 5J-741.

Sinabi ni Chavez, ang mga nasabing OFW ay nagmula sa bansang Jeddah at ang mga ito ay problemado, nawalan ng trabaho at tinakasan ang kanilang mga employer.

Mismong si Atty. Chavez at ilang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sumalubong sa mga OFWs na nabigyan ng amnestiya ng Saudi Arabia.

Matatandaang maraming OFWs ang humiling na mapabalik sa bansa matapos na hulihin ng Saudi Authorities, bunsod ng isinasagawang crackdown kontra sa illegal migrant.

Bukod sa airport assistance ay binigyan sila ng loot bag na naglalaman ng brochure ng mga tulong na maaari nilang makuha mula sa pamahalaan at binigyan din sila ng tig-P5,000 bilang tulong sa kanila.

Idinagdag pa ni Atty. Chavez, ang mga residente ng Metro Manila na walang sundo ay may service habang ang mga uuwi ng mga malalayong probinsiya ay pansamantalang tutuloy muna mula sa office ng OWWA habang hinihintay ang ticket para makauwi at makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay na matagal nang nahiwalay sa kanila.

Aniya simula ngayon buwan ng Hunyo nasa 5,000 mga ofws ang napauwi na sa bansa ay kapiling nang kanilang mga pamilya.