Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

100 deboto pwede na sa loob ng Quiapo church

0 276

Nagbukas na ang Quiapo Church sa Maynila para sa 100 mga deboto nito, makaraang payagan ng pamahalaan na makapagpatupad ng 10 porsyentong kapasidad nito ang mga simbahan sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Kinakailangan ng mga deboto na magpupunta sa mga simbahan na magsuot ng face mask, kukunin din ang kanilang mga temperature at kailangang sumunod sa mga sanitation protocol tulad ng foot bath bago makapasok.

Mahigpit ding ipatutupad ang physical distancing sa loob at labas ng simbahan para sa mga debotong hindi nakapasok.

Leave A Reply

Your email address will not be published.