Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

100 bahay naabo sa Zambo

0 191

NASUNOG ang nasa 100 bilang ng bahay sa Zamboanga City, Huwebes ng hapon.

Nangyari ito sa Barangay San Roque at ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot ito sa ikatlong alarma.

Sinasabing electrical short circuit ang pinaghihinalaang pinagmulan ng sunog.

Isinugod naman sa pagamutan ang 31-anyos na babae nang magreklamo na nahirapan itong huminga.

Sa ngayon ay nakatira ang mga nasunugan sa Barangay Hall at sa San Roque Elementary School. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.