Una sa Balita

100 bahay naabo sa Mandaue City

0 263

Umaabot sa 100 kabahayan ang natupok ng apoy habang nasa 200 pamilya ang apektado dahil sa pagputok ng kuryente sa Barangay Casuntingan, Mandaue City.

Ayon sa report ng Mandaue City Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang pamilya Caripes kung saan faulty electrical wiring umano ang sanhi ng pagkalat ng apoy bandang alas-2:02 Huwebes nang hapon.

Naideklarang fire under control ganap na alas-3:17 nang hapon ang sunog. Wala namang nasu­gatan sa insidente habang tinatayang P460,000 ang halaga ng mga ari-arian na natupok. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy