Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

100 ahas nagkumpulan sa haybol

0 147

Hindi na nakapagpigil pa ang isang animal rescuer na mag-selfie makaraang makita ang kumpol ng halos 100 rattlesnakes na namahay sa California.

Ayon kay Al Wolf, ng Sonoma County Reptile Rescue, nagresponde siya sa North Bay makaraang makatanggap ng tawag na may nakita umanong ahas na gumagapang sa gilid ng bahay.

Related Posts

Pagdating sa lugar, nagulat ang animal rescuer nang makita ang halos dose-dosenang ahas na nagkumpulan sa silong.

Ayon kay Wolf, bihira ang nasabing senaryo kaya nagawa niyang mag-selfie at pinost sa Facebook ang mga na-rescue niyang ahas.

Ang panahon ng tagtuyot ay nagdudulot ng paglabas sa lungga ng mga ahas na naghahanap nang matutuklaw. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.