Una sa Balita

10 year old biktima ng magaspang na ugali ni Sofia

By
0 4,714

Hayan, ang haba-haba tuloy ng naging apology message ni Sofia Andres kaugnay ng tsikang isnabera siya at nag-attitude sa blog con ng Bagani. To sum up her claim, ‘fear of rejection’ umano ang rason kung bakit para siyang aloof sa tao at napagkakamalang nag-a-attitude

Ang siste, tila mahihirapan siyang kumbinsihin ang mga taong kanyang nasaktan o na-offend dahil imbes na siya ay unawain, may mga nagsulputan pang ‘patotoo’ sa kanyang umano ay tunay na ugali.

Ang latest nga ay ang mismong Pangulo ng NPC (National Press Club) na nagbahagi ng tsikang minsan na ding nakaranas ng kagaspangan ni Sofia ang ten year old niyang anak nang tangkain nitong magpakuha ng litrato sa Baguio City, noong ‘feeling third wheel’ umano si Sofia sa tambalang LizQuen sa pamosong Forevermore soap.

Lumang-luma ang kuwento, pero tila bangu­ngot ito kay Sofia ngayon.

We still wish her good luck at sana ma-redeem niya ang sarili from all of these accusations dahil sa totoo lang, she really looks pretty at may talent naman talaga!

Abs ni Sam Milby nakakabusog

Speaking of third wheel, kuwela ang performances nina Sam Milby at Yassi Pressman sa currently showing ngayong Pambansang Third Wheel movie nila.

It is doing well at the tills and the very reason kung bakit nauna nga itong ipalabas sa original playdate nito ay para hindi nga nito maka-salpukan sa takilya ang movie nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach.

Pareho namang tanggap nina Yassi at Sam na mahirap banggain ang giant promo ng Star Cinema at ayaw rin naman nilang maging direct competitors ng kapwa mga Kapamilya artist nila.

Happy na raw sila na makabawi ang movie nila sa first seven days of showing bago pa man ipalabas ‘yung kina Ge at Pia.

Well, ang sa amin naman, kung talagang maganda at worth magtagal ng two weeks or more ang film nila, kesehodang giants pa ang maabutan o sumunod dito, people will still go, pay and watch for their movie.

At sa kaso ng Ang Pambansang Third Wheel, marami naman itong mga elemento na sasabihin mong ‘worth the time, money and effort’ na panoorin ito.

Sa ganda ng mukha at katawan ni Yassi, mapapa-vavavoom ka na lang. At sa mga pa-abs ni Sam, mabubusog ka na din! May kilig at drama plus ‘yung theme song ni Marion Aunor, very relatable!

Yassi ayaw ipapatay ni Coco

Still on Yassi, siniguro raw sa aktres na magtatagal pa sa serye ng Ang Probinsyano ang kanyang karakter kahit hindi na ito involve sa karakter ni Coco Martin, ang supposedly husband niya sa soap.

Si JC Santos, na isa sa mga bagong sulpot sa serye, ang mas madalas nang makakaeksena ng karakter ni Yassi, na gustong ipa-annul ang kasal sa karakter ni Coco.

Si Coco raw mismo na malaking bahagi ng serye (as creative consultant at writer-director) ang nag-assure sa aktres na kailangan lang lagyan ng ‘anghang’ ang love angle ng mga karakter nila dahil may mga bagong action and drama angles na bitbit ang mga bagong karakter na papasok gaya nina Edu Manzano, Alice Dixon, Rowell Santiago at Dawn Zulueta.

Wala pa ngang balak na tapusin ang serye na ilang taon na ding umeere dahil para nga raw ilog o gripong tuloy-tuloy sa pagdaloy ang mga idea ni Coco for the series.

At hangga’t may garantiya raw ang bidang aktor sa mga gaya ni Yassi, patuloy lang trabaho ng mga ito!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy