Una sa Balita

10 Viatnamese na iligal na nangingisda arestado sa Cagayan

0 344

NALAMBAT ng Philippine Coast Guard-Cagayan (PCG-Cag) ang 10 Vietnamese national matapos silang mahuli na iligal na nangingisda sakay ng dalawang bangka sa karagatan Dalupisi Island, Cala-yan, Cagayan noong Sabado.

Ayon sa PCG-Cag, nagtangka pa umanong tumakas ang mga suspek at binangga ang kanilang patrolling vessel sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Dagdag pa ni Bureau of Fisheries and Aquati­c Resources-2 (BFAR-2) officer Sherwin Bugina, ang dalawang fishing boat ng mga dayuhan ay nakorner sa may anim na nautical miles hilagang-kanluran ng Dalupari Island, Calayan sa nasabing lalawigan noong Sabado dakong ala-1:30 nang madaling-araw.

Ang mga Vietnamese national ay nahuling iligal na nangunguha ng iba’t ibang uri ng endangered species na isda kabilang ang mga ipinagbabawa­l hulihin na nagkakahalaga ng mahigit P80,000, ayon pa kay Bugina.

Sa ngayon, nakakulong ang mga dayuhan sa PCG-Cagayan at kaukulang kaso ang isinampa laban sa kanila. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy