Una sa Balita

10 UST Aegis Juris brod tanggal angas, sumuko

By
0 5,800

NAWALA ang angas ng 10 miyembro ng Aegis Juris fraternity matapos sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) kahapon makaraang mag-isyu ng warrant of arrest ang korte laban sa kanila kaugnay ng pagkamatay sa hazing ng University of Santo Tomas (UST) first year law student na si Horacio Tomas ‘Atio’ Castillo III.

Ayon kay NBI spokesman Ferdinand Lavin, dakong alas-11:00 ng umaga nang dumating sa tanggapan ng Death Investigation Division ng ahensiya ang 10 akusado na sina sina Mhin Wei Chan, Jose Miguel Salamat, John Robin Ramos, Marcelino Bagtang Jr., Arvin Balag, Ralph Trangia, Axel Munrio Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabali at Danielle Hans Matthew Rodrigo.

Sinabi ni Lavin na nag-ipon-ipon muna sa isang hindi binanggit na lugar ang mga akusado bago sila sinundo ng mga tauhan ng NBI.

Dumaan muna sa medical exam ang mga akusado bago isinailalim sa booking procedure ng NBI.

Nitong Huwebes nag­labas ng warrant of arrest si Manila Regional Trial Court Branch 40 Presiding Judge Alfredo Ampuan laban sa 10 miyembro ng Aegis Juris matapos makitaan ng probable cause ang kasong inihain laban sa kanila ng Department of Justice na paglabag sa Republic Act No. 8049 o Anti-Hazing Law.

Nakatakda namang dalhin sa korte ang sampung akusado para ibalik ang warrant of arrest.

Dumating na rin sa NBI ang kanilang mga magulang na may kasamang mga abogado.

Nabatid na mananatili sa kustodiya ng NBI ang mga akusado habang hinihintay ang commitment order mula sa korte.

Minarapat umanong sumuko ng 10 Aegis Juris fratmen sa NBI sa halip na isurender ang kanilang sarili sa Manila Police District na siyang naghain ng kaso kaugnay sa pagkamatay ni Atio.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More