Una sa Balita

10 UST Aegis Juris Brod Arestuhin!

Utos ng Manila RTC sa Atio hazing case

By
0 9,510

INIUTOS na ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang pag-aresto sa 10 miyembro ng Aegis Juris fraternity na kinasuhan ng paglabag sa Anti-Hazing Law dahil sa pagkamatay ng University of Santo Tomas (UST) first year law student na si Horacio Tomas ‘Atio’ Castillo III.

Kabilang sa pinaaresto ni Manila RTC Branch 40 Presiding Judge Alfredo Ampuan, sina Mhin Wei Chan, Jose Miguel Salamat, John Robin Ramos, Marcelino Bagtang Jr., Arvin Balag, Ralph Trangia, Axel Munrio Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabali at Danielle Hans Matthew Rodrigo.

Ayon sa kautusan ng korte na may petsang Marso 22, 2018, ang paglabag sa Section 4 paragraph A ng Republic Act No. 8049 o Anti Hazing Law ay isang non-bai­lable offense dahil ang katapat nitong parusa ay reclusion perpetua.

Ang probisyon ay tumutukoy sa hazing rites na nagresulta sa pagkamatay ng biktima.

Nabatid na nakitaan ng probable cause ang inihaing kaso ng Department of Justice (DOJ) laban sa 10 akusado sa pagkamatay ni Castillo matapos isailalim sa hazing ng Aegis Juris noong Setyembre 2017 kaya may panga­ngailangan na malagay ang mga akusado sa kustodiya ng mga awtoridad para matiyak ang paggawad ng katarungan.

Noong Pebrero 2018 ay sinibak ng UST ang walong law student nito na isinasangkot sa pagkamatay ni Castillo ngunit hindi ibinunyag ng unibersidad kung sino sa kanilang mga estudyante ang kabilang sa mga pinatalsik sa UST matapos magsagawa ng sariling pag-iimbestiga ang administrasyon ng eskwelahan.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More