Una sa Balita

10 todas sa Nipah virus sa India; nurse damay

By
0 1,141

Tinatayang sampung katao ang namatay sa pagkalat ng Nipah virus sa India.

Isa sa nahawa ay ang nurse na nag-aaruga sa mga pasyenteng tinamaan ng virus sa Kerala.

Bago nalagutan ng hininga noong Lunes, sumulat pa ito sa papel upang magpaalam sa kanyang asawa na alagaan ang kanilang dalawang anak.

Abante Hiring – IT dep

“I think I am almost on my way. I may not be able to see you again. Sorry. Take care of our children,” ayon sa liham ni Lini Puthusheri.

Ang nurse ang ika-10 biktima ng Nipah virus sa India ngayong Mayo kung saan dalawang katao pa ang nasa kritikal na kondisyon.

Wala pang natutuklasang bakuna sa virus na ang sintomas ay mataas na lagnat, kombulsyon at pagsusuka. Tatlo sa bawat apat kataong dinapuan ng virus ay namamatay. Ang tanging gamot ay pag-alaga upang maging komportable ang pasyente.

Ang Nipah virus ay kumakalat sa pamamagitan ng fruit bat, baboy at human-to-human contact. Sinasabing nagsimula ang pagkalat ng virus sa paniki.