Una sa Balita

10 todas sa gumuhong gusali sa India

0 244

TINATAYANG sampung katao ang namatay, habang marami pa ang pinaniniwalaang natabunan sa gumuhong apat na palapag na gusali sa Mumbai, India.

Hindi pa malaman ng mga awtoridad ang dahilan ng pagguho ng gusali na higit 100 taon gulang na. Pinaniniwalaan naman na ang pag-ulan at pagbaha sa lugar ng Dongri ang nagpalambot sa lupang kinatitirikan ng gusali.

Patuloy ang ginagawang paghahanap ng rescue team mula sa fire department at national disaster response force sa posibleng buhay na naipit sa gumuhong gusali.

Umaabot sa 15 pamilya ang naninirahan sa gusali at sampung katao na ang dineklarang patay, kabilang ang tatlong bata habang walo naman ang sugatan at nagpapagaling sa ospital.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy