10-taong kulong sa pang-eespiya

By

Hinatulan na makulong ng 10-taon ang isang American-Iranian dahil sa pag-espiya sa Iran.

Ayon sa ulat, sinabi ni Iranian judicial spokesman Gholamhossein Mohseni-Ejheie, na inaresto ang akusado na si Xiyue Wang, Chinese-born at graduate student sa history dahil sa pangangalap ng mga impormasyon.

Inaresto ito sa Iran noong nakalipas na summer habang nagsasagawa ng scholarly research kaugnay ng Ph.D. dissertation.

Binigyan ng 20-araw ang hinatulang lalaki na base na rin sa batas sa Iran para iapela ang hatol laban dito.

Nakarating na rin sa US State Department ang sinapit ni Wang kung saan umapela ito sa Iran na pa­kawalan ang hinuling citizen.

Samantala, apat na US prisoners naman ang pinakawalan noong nakaraang taon ng Iran bilang bahagi ng prisoner swap matapos mabigyan ng clemency ang pitong Iranians na nakulong sa US.

SHARE