Una sa Balita

10 sasakyan natabunan

By
0 36

Higit sa sampung sasakyan ang nailibing sa naganap na landslide sa Sitio Garahi, Upper Busay, Cebu City.

Bandang alas-dos ng madaling-araw nang maganap ang pagguho ng lupa dahil na rin sa walang tigil na pag-ulan.

Ayon sa mga tauhan ng Bureau of Fire rescue team, walong jeep, dalawang motorsiklo, isang kotse at isang pick-up ang natabunan ng lupa pero suwerte namang walang iniulat na nasu­gatan o nasaktan.

Patuloy din ang ginagawang clearing operation sa lugar para maialis ang mga natabunang sasakyan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy