Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

10 pulis sinampolan vs tinumbang 16-anyos sa drug raid

0 40

Ipinag-utos ni PNP Chief Lt. General Guillermo Eleazar na isailalim sa restrictive custody ang 10 tauhan ng Biñan City police station na kasama sa operasyon na ikinasawi ng isang menor de edad at umano’y isang wanted na target ng operasyon noong Miyerkules, June 16.

Kabilang sa inilagay sa restrictive custody sa regional headquarters ang 1 opisyal at 9 na PNCO na naghain ng warrant of arrest sa sinasabing isa sa top 10 most wanted person sa Laguna dahil sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga na si Antonio Castillo Dalit na nasawi matapos umanong

manlaban sa operatiba. Nasawi rin ang menor de edad na si Johndy Maglinte, 16, na kasama umanong nanlaban.

Ayon kay Elezar, inatasan na niya ang regional director ng PRO 4A CALABARZON at ang inspector general ng PNP IAS na magsagawa ng malalimang pagsisiyasat.

SM food to go Banner Ad

Isinailalim din sa paraffin test ang lahat ng baril ng mga sangkot na pulis.

Nanawagan din si Eleazar sa pamilya ng mga nasawi at sa lahat ng residente na nakasaksi sa pangyayari na makipagtulungan sa isinagawang imbestigasyon.

Sinabi din ni Eleazar na peronal niyang tututukan ang kaso.

Iimbestigahan na rin ito ng Commission on Human Rights. (Ronilo Dagos/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.