Una sa Balita

10% pay increase ‘di sapat — ACT

0 246

Hindi kuntento ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa inilaaang budget na P31 bil­yon para sa umento sa sahod ng 1.2 mil­yong empleyado ng gobyerno.

Ayon sa ACT, lumilitaw na 10 percent lamang ang itataas sa suweldo ng mga empleyado ng gobyerno.

“A meager 10% pay increase is not what President Duterte promised us. ‘A little bit bigger than before’ as the President put it in his last SONA does not mean it’s better and sufficient. Such will neither give due recognition to the significant work teachers and other rank-and-file employees do nor will it ‘tide us over’ in this economy,” ayon kay ACT Secretary Gene­ral Raymond Basilio.

Sa kanilang komputasyon, lalabas na P2,075 lamang ang magiging umento sa suweldo ng mga entry-level public school teacher.

Mas malaki pa aniya ang P2,592 pay increase na ibinigay ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 1997 na may inflation rate pa noon na 5.1%.

Nanindigan si Basilio na hindi makasasapat ang salary increase para maibalik ang dating halaga ng suweldo na pinaliit dahil sa mga inflation sapul noong 2018.

Binanggit pa ni Basilio na ang makikinabang lamang sa 10% accross-the-board increase ay ang mga mataaas na opisyal ng gobyerno at hindi ang mga nasa mababang salary grade.

“A dramatic increase in the pay of civilian rank-and-file employees would serve as a stop-gap measure in the ever widening gap between the salaries of ordinary employees- which make up the overwhelming majority of public sector workers and that of top officials,” ani ni Basilio.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy