Una sa Balita

10 patay sa Munich shooting

By ,
0 4
germany-mass-shooting-mall
Police evacuates people from the shopping mall (the Olympia Einkaufzentrum (OEZ) in Munich on July 22, 2016 following a shootings earlier.
At least one person has been killed and 10 wounded in a shooting at a shopping centre in Munich on Friday, German police said. / AFP PHOTO

Nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang ulo, ang isang 18-anyos na Iranian national na nasa likod ng pamamaril sa loob ng isang shopping mall na nagresulta ng pagkasawi ng siyam na katao at pagkasugat ng mahigit 20 Munich, Germany.

Ayon sa German police mag-isa lamang namaril ang suspek na may dalawang taon nang nakatira sa Munich.

Hindi pa matukoy ng pulisya kung ano ang kanyang motibo sa itinuturing na terror attack.

Nabatid na natagpuan ang bangkay ng suspek halos isang kilometro mula sa shopping center.

Ang Olympia mall ang siyang itinuturing na pinakamalaking shopping center sa Munich.