Una sa Balita

10 patay sa car bomb

By
0 87

Patay ang 10-katao sa nangyaring pagsabog ng isang kotse sa isang air force academy sa Mogadishu, Somalia.

Ayon sa ulat, kara­mihan sa mga nasawi ay pawang mga sibil­yan habang marami pa ang sugatan at isinugod sa pagamutan.

Naganap ang insidente malapit sa isang vegetable market sa kabisera ng Somalia.

Nawasak ang mga shops at stalls sa Waberi district dahil sa lakas ng impact ng pagsabog at marami ang mga sugatan na isinugod sa pagamutan.

Wala pang umaako sa naturang insidente subalit karaniwang ang Somali Islamist group al Shabaab ang nagsasagawa ng pag-atake sa lugar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy