Una sa Balita

10 pa sa QC, positive sa virus

0 285

Umabot na sa kabuuang bilang na 72 ang nagpositibo sa Covid-19 sa Lungsod Quezon, apat rito ay inulat na namatay at may pito na naka-recover.

Sa Quezon City Covid 19 Media Bulletin na inilabas ng pamahalaang Lungsod, iniulat nito na may karagdagang sampung bagong kaso ng nasabing virus sa lungsod.

Base sa report, ang sampung karagdagang pasyente ay nagmula sa mga sumusunod na barangay sa District I- Brgy. Lourdes – 1 pasyente, District 3- Barangay . West Kamias – 1 pasyente, Brgy. Matandang Balara – 1 pasyente.

Sa District 4 ay ang mga sumusunod na lugar: Brgy. Bagong Lipunan sa Crame – 2 pasyente, Brgy. South Triangle – 1 pasyente, Brgy. Paligsahan – 1 pasyente.

Sa Distrrict 6 sa Barangay Culiat – 2 pasyente, Brgy. Sauyo – 1 pasyente

Patuloy ang isinasagawang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa Lungsod lalo na sa mga sumususnod na barangay gaya ng Tandang Sora, Kalusugan, Ramon Magsaysay, Maharlika, Tatalon, Batasan Hills, Pasong Tamo, Central, San Roque, Paligsahan, Bagong Lipuna ng Crame, at South triangle.

Ang Barangay Central ay wala umanong naiulat na Covid-19 na pasyente subalit isinailalim rin ito sa Enhanced Community Quarantine dahil napapaligiran ito ng maraming ospital sa kahabaan ng East Avenue. (Riz Dominguez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More