Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

10 na-trap sa nasunog na Annapolis Tower sinagip

0 201

Nailigtas ng mga bomber ang 10 katao, kabilang ang mga senior citizen, bata, at sanggol, sa sunog na nagap sa isang high-rise building sa Greenhills, San Juan nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa San Juan-Bureau of Fire Protection (BFP), isang bombero ang nasugatan sa sumiklab na apoy alas-9:45 ng umaga sa ikalawang palapag ng Annapolis Tower.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at gumamit pa ng aerial ladder mula sa special rescue force para maibaba ang mga nadamay na residente sa anim na palapag na gusali.

Idineklara itong fire under control alas-10:50 ng umaga bago tuluyang naapula alas-11:17 ng umaga

Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng BFP ang sanhi ng apoy.

Nagpaabot na rin ng tulong ang lokal na pamahalan para sa mga nasunugan. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.