Una sa Balita

10 miyembro ng Aegis Juris nagpasok ng ‘not guilty plea’

0 4,072

Nagpasok ng ‘not guilty plea’ sa Manila Regio­nal Trial Court, Branch 20 ang sampung mga opis­yal at miyembro ng Aejis­ Juris fraternity na pa­wang mga akusado sa kasong paglabag sa Anti-Hazing Law, kilala bilang Republic Act 8049.

Nabatid na binasa­han ng sakdal ni MRTC Judge Marivic Balisi-Umali, ang mga akusadong sina Arvin Balag, Mhin Wei Chan, Axel Munro Hipe, Oliver John Audrey Onofre, Joshua Joriel Macabali­, Ralph Trangia, Robin Ramos, Joseph Miguel Salaymat, Danielle Hans Matthew Rodrigo, at Marce­lino Bagtang, na pawang nakasuot ng dilaw na t-shirt na may markang detainee.

Tumagal ang arraign­men­t nang may tatlong oras na nagtuloy-tuloy sa pre-trial proper.

Matapos pasinungali­ngan ang akusasyon laban sa kanila, agad naghain ang mga abogado ng depensa, ng petisyon para makapagpiyansa ang kanilang mga kliyente.

Nagpahayag naman ng kasiyahan ang mga magulang ng biktimang si Horacio ‘Atio’ Castillo dahil nabasahan na ng sakdal ang mga akusado.

Sinabi naman ni Carmina, ina ni Atio, na wala siyang nararamdan sa mga akusado at ang gusto lamang nila ay makamit ang kataru­ngan sa sinapit ng kanyang anak at ang tulu­yang mabuwag ang Aegi­s Juris fraternity.

Itinakda naman ng korte sa darating na Agosto 14 ang pagdinig kaugnay sa petition for bail, isinampa ng panig ng mga akusado.

Matatandaan na si Atio ay nasawi matapos na sumailalim sa hazin­g slay noong Setyembre 17, 2017 sa tanggapan ng Aegis Juris sa Sampaloc, Maynila at saka iniwan sa may Road 10, Tondo bago isinugod sa Chinese Genera­l Hospital­.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy