Una sa Balita

10 mangingisda dinukot ng Abu Sayyaf sa Sabah

0 334

NAPAULAT ang pandudukot diumano ng ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayya­f group sa 10 mangingisdang sakay ng dalawang bangka sa Sabah na malapit sa Tawi-Tawi.

Patungo umano sana ng Semporna ang dalawang bangka na nasa karagatan ng Lahad Datu’s Tambisan nang i-hijack ng mga armadong lalaki sakay ng speedboats alas-dos nang madaling-araw nitong Hunyo 18.

Hinihinala namang pawang mga Filipino ang lahat ng dinukot.

Sa nakalap na ulat, apat sa anim na crewmen na sakay ng unang bangka ang dinukot habang anim sa 10 crew member naman ang tinangay sa ika-lawang bangka. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy