Una sa Balita

10 kalaboso sa buy-bust ops

By
0 4,735

Naaresto ng mga e­lemento ng Northern Police District (NPD) ang nasa sampung mga suspected drug personality sa isinagawang buy-bust operation sa iba’t ibang lugar sa lungsod ng Navotas kamakalawa nang gabi.

Sa ulat ni NPD ac­ting dir. Chief Supt. Gregorio Lim, kinilala ang mga naunang naarestong suspek na sina Sigred Lungay, 48-anyos, ng Kaunlaran Village, Barangay North Bay Boulevard South (NBBS); Dianne Manalo, 23, ng Libis Espina St., Brgy. 14, Caloocan; Sonny Lambuson, 42, ng PNR Compound, Heroes Del 96 Samson Road; Darryl Osin, 42, ng Kai­ngin 1 Block 6 Barangay Pansol, Quezon City; Brigido Membrillos, 28-anyos, ng Barangay Longos, Malabon at Robert Ocampo, 23, ng Gen. San Miguel, Millionaires Village, Barangay 8, Caloocan.

Nahuli din ang apat pang suspek taga-Market 1 Barangay NBB-North.