Una sa Balita

10 kabayo bakbakan sa ‘Container Bridge’

0 265

INAASAHANG matinding labanan ang masisilayan ng mga karerista sa magaganap na “NPC-Container Bridge Phils. Inc. Special Race” (Condition race 18) ngayong araw sa pista ng Sal Lazaro sa Carmona, Cavite.

Magtatagisan ng bilis ang 10 tigasing kabayo sa 1,400-meter race.

Ang mga kalahok ay sina Pusang Gala, Peaky Blinder, Magnum Force, Star Of Lucena, Indelible Quaker, Divine Dancer, Thunder Maxx, Rock The Race, Shining Courage at Case Bell.

Tatanggap ng P6,000 ang winning horse owner habang tig-P2,000 ang hahamigin ng trainer at jockey mula sa Container Bridge Phil. Inc.

“Mahirap na karera po ito, lahat kasi ng kasali ay magagaling, ibibigay ko lahat para manalo ang sakay ko,” saad ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan B. Hernandez na rerendahan si Case Bell.

Pakakawalan ang nasabing karera sa Race 1. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy