Una sa Balita

10 beterano ginawaran ng US congressional gold medal

0 252

GINAWARAN ng United States Congressional Gold Medal ang 10 bete­rano ng Pilipino World War II kasabay ng paggunita ng National Heroes Day kamakailan.

Ginanap ang seremonya sa Emiliana Hall, Barangay Tenejero sa Balanga City, Bataan.

Ang tinanggap na parangal na US Congressional Gold Medals ng 10 beterano ng World War II ay pinakamataas na civi­lian honor na iginagawad ng Congress.

Ito ang ikalawang beses na ginanap sa Pilipinas ang paggawad ng pagkilala, kasunod ng insidente noong Setyember 2018 sa US Embassy sa Roxas Boulevard, Manila.

Taong 2017 nang pagkalooban ng medal of honor ang may 260,000 sundalong Pilipino at Pilipino-American na nagsilbi sa US military mula summer ng 1941 hanggang winter ng 1946 bilang pasasalamat sa kanilang serbisyo at sakripisyo sa giyera.

Kabilang sa ginawaran ng US Congressional Gold Medal ay ang mga sumusunod: Private First Class Florentino Platero; Private First Class Macario Roque; Private First Class Rogel Viray; Private First Class Leopoldo Gunsay; Private First Class Francisca dela Fuente at Private First Class Democrito Domingo.

Ginawaran naman ng posthumously award ang mga kaanak nina Private First Class Lewe Domingo; Staff Sgt. Gabriel Layug; Capt. Quirico Evangelista at Maj. Pedro Quezon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy