Una sa Balita

10 best actress award, 40 album, 53 movie, 10 TV show: Sharon 4 na dekada nang namamayagpag

0 449

TANAW-BALIK:

Ni: Ruel Mendoza

Nag-celebrate ng kanyang 54th birthday noong nakaraang January 6 ang tinaguriang Megastar na si Sharon Cuneta.

Throughout her 40-year career sa showbiz, nakamit ni Sharon ang pagiging multi-awarded singer (with 40 albums), box-office queen (with 53 films), TV star (with 10 TV shows), celebrity endorser, and award-winning actress (with 10 best actress awards).

Last of the Movie Queens nga kung tawagin si Sharon dahil wala nang naging katulad niya na nag-reyna sa TV, pelikula at recording, isama pa ang mga live performances niya dito at sa ibang bansa.

Kaya balikan natin ang ilang memorable films ni Sharon Cuneta sa mga nagdaang apat na dekada…

Dear Heart (1981)

Unang pelikula ni Sharon na produced ng Sining Silangan Films at dinirek ni Danny Zialcita. Ito rin ang unang tambalan nila ni Gabby Concepcion. Kuwento ito ni April at Jimmy na malalagay sa pagsubok ang kanilang pag-iibigan ng ama ni April na si Don Manolo.

P.S. I Love You (1981)

Second team-up ng ShaGab love team at unang pelikula na produced ng Viva Films. Sa ilalim ng direksyon ni Eddie Garcia, this is a love story of Kristine and Mark at kung paano sila maaapektuhan sa nakaraan ng kanilang pamilya.

Dapat Ka Bang Mahalin (1984)

Ang pelikulang nagbigay ng unang FAMAS best actress kay Sharon. Kuwento nila Myrna at Lito at kung paano sila mag-a-adjust sa buhay may-asawa sa kanilang murang edad. Dinirek ito ni Emmanuel Borlaza.

Bukas Luluhod Ang Mga Tala (1984)

Isa sa pinakamalaking box-office hit ni Sharon noong dekada ‘80s na dinirek ni Maning Borlaza. Kuwento ni Rebecca, isang mahirap na nangarap iahon ang kanyang pamilya sa hirap at balikan ang mga taong nang-api sa kanila. Pinasikat dito ni Sharon ang theme song na “Pangarap Na Bituin”.

Sa Hirap At Ginhawa (1984)

Ang unang pelikula ni Sharon with Gabby pagkatapos nilang ikasal noong September 12, 1984. Tungkol ito sa nagtanan na sina Cecilia at Arnold at kung paano nila malalagpasan ang mga pagsubok ng kanilang pagsasama. Dinirek ito ni Leroy Salvador.

Bituing Walang Ningning (1985)

Isa sa biggest blockbusters of 1985 at isa sa inabangan na komiks series. Si Sharon ay si Dorina, isang tagahanga ng superstar na si Lavinia na kanyang nalagpasan ang ningning noong maging singer siya. Ito rin ang unang onscreen tandem nila ni Christopher de Leon. Dito sumikat ang immortal line ni Lavinia na “You’re nothing but a second rate, trying hard, copycat!”

Jack & Jill (1987)

Unang pagsabak ni Sharon sa isang full comedy kasama si Herbert Bautista. In Mars Ravelo’s “Jack & Jill”, isang tomboy na jeepney driver si Sharon at screaming gay naman si Herbert as Jill.

Pasan Ko Ang Daigdig (1987)

First movie ni Sharon kunsaan ang direktor niya ay si Lino Brocka. Bilang Lupe, nagkalkal ng basura, pinasan ang lumpong nanay habang nanlilimos pero hindi nawala ang pag-asang umangat sa buhay.

Buy One, Take One (1988)

First movie ni Sharon kunsaan nakatambal niya si Richard Gomez. Unang movie din ni Sharon na makasama si Susan Roces at Bernard Bonnin. Kuwento ng magkapatid na nagtitinda sa palengke at niligawan ng magtiyuhin na nagbebenta ng yelo.

Kahit Konting Pagtingin (1990)

First movie ni Sharon with Da King of Philippine Movies Fernando Poe, Jr. Ito ang tinanghal na biggest blockbuster of 1990 na siyang nagkorona kina FPJ at Sharon bilang Box-Office King & Queen.

Bakit Ikaw Pa Rin? (1990)

Ang muling pagtatambal nila Sharon at Gabby pagkatapos ng huling nilang pelikula noong 1985. Isang certified blockbuster ang pagsasama nila ulit na nasundan pa ng dalawa pang pelikula: “Una Kang Naging Akin” (1991) and “Tayong Dalawa” (1992).

Maging Sino Ka Man (1991)

Sharon’s biggest blockbuster na sumira ng past box-office records niya. First movie with Robin Padilla kunsaan gumanap sila bilang sina Monique at Carding. Umabot sa 350 million pesos ang gross nito sa takilya noong 1991.

The Lilian Velez Story (1995)

Sinubukan din ni Sharon ang sumakay sa massacre films noong ‘90s kunsaan dinirek siya ni Carlo Caparas. Nakilalang singing sweetheart ng Philippine cinema noong ‘30s and ‘40s si Lilian at naging kontrobersyal ang pagpatay sa kanya ng aktor na si Narding Anzures.

Madrasta (1996)

First movie na ginawa ni Sharon sa labas ng Viva Films after 15 years. Tinawag pa ito ng Star Cinema na “Project X”. Mula sa direksyon ni Olivia Lamasan, nakamit ni Sharon ang Grand Slam best actress (FAMAS, FAP, Gawad Urian, Star) sa role niya bilang ang stepmother na si Mariel.

Crying Ladies (2003)

Ang first time na mag-experiment si Sharon sa isang film character. Bilang si Stella, kasama niya sina Choleng (Angel Aquino) at Rhoda (Hilda Koronel), nagtatrabaho sila bilang professional mourners o mga taga-iyak sa mga patay. Dinirek ito ni Mark Meily.

Caregiver (2008)

Unang pelikula ni Sharon kunsaan ang direktor niya ay si Chito Roño. Ginampanam dito ni Sharon si Sarah, isang caregiver na nadala sa London kunsaan nadiskubre niya ang lihim ng kanyang mister (John Estrada) at ang hirap na mawalay sa nag-iisang anak (John Manalo). 80% of the film was shot in London during winter season.

Ang Pamilyang Hindi Lumuluha (2017)

First indie film ni Sharon after ten years na hindi siya gumawa ng pelikula. Ang drama-comedy na ito ay kuwento ni Cora na ang hangad ay muling bumalik ang kasiyahan ng kanyang pamilya. Mula ito sa direksyon ni Mez de Guzman.

Kuwaresma (2019)

First horror film ni Sharon na dinirek ni Erik Matti. Bilang Rebecca, hawak niya at ng kanyang mister na si Arturo (John Arcilla) ang lihim ng pagkamatay ni Manuela (Pam Gonzales) ang kakambal ng kanilang anak na si Luis (Kent Gonzalez).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More