Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

10 barangay sa Isabela ligtas na sa ASF

0 346

Nasa sampung barangay mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Isabela ang nakatakdang alisin sa `red zone category’ ” na may kaugnayan sa kaso ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay regional executive director Narciso Edillo ng Department of Agriculture-Region 2 (DA-R2), humupa na ang ASF na sakit ng mga baboy sa rehiyon matapos maitala ang huling kaso sa bayan ng Raniag, Ramon, Isabela noong April 28.

Sinabi ni Edillo, kapag umabot ng apat na buwan na walang maitalang baboy na natamaan ng ASF, maaari na muling mag-alaga ng mga baboy sa mga lugar na isinailalim sa red zone.

Irerekomenda ng DA-R2 sa National Crisis Management Committee (NCMC) ang pag-alis na sa 10 barangay sa Isabela sa red zone category upang muling makapag-alaga ng baboy ang mga hog raiser sa mga nabanggit na lugar. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.