Una sa Balita

10 bahay natabunan ng lupa

By
0 0

Sampung bahay ang nagiba sa pananalasa ng landslide bunsod ng walang tigil na pag-ulan kung saan isang residente ang natabunan kamakalawa sa Sitio Little Baguio, Brgy. El Nonok, Banga South Cotabato.

Madaling nawasak ang mga bahay, dahil pawang mga gawa sa light material ang mga ito, nang gumuho ang lupa dahil sa lambot.

Sa tulong ng mga rescue team, naiahon naman nang buhay ang natabuan na si Bernie Balolo, 21, pero nasa malubha itong kondisyon.

Sa ngayon inaalam pa ng South Cotabato Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office ang kabuuang danyos ng naitalang landslide at may naipaabot na rin na tulong ang lokal na gobyerno ng Banga at provincial government sa mga biktima ng landslide.