Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

1 todas sa baha

0 107

KINUKUMPIRMA na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang report na may namatay sa Capiz nang dahil sa bagyong Lannie.

Sinabi ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal na nalunod umano ang biktima dulot na rin ng baha.

“Meron po tayong natanggap na posibleng casualty dahil meron daw po tayong kababayan na nalunod diyan sa Capiz. But this is still being validated,” sinabi nito.

Maraming lugar sa Western Visayas ang binaha dahil sa Bagyong Lannie, ayon sa NDRRMC.

Nasa 62 na tao ang inilikas at pansamantalang nanirahan sa kaanak.

Sa Western Visayas, nasa P1.6 million na halaga ng sira sa agrikultura ang naitala, ayon sa NDRRMC.

Dagdag pa ng NDRRMC, may limang landslides sa Mimaropa, Central Visayas at Eastern Visayas.

Mayroon ding pitong insidente ng pagbaha sa Mimaropa at Western Visayas.

Ayon sa NDRRMC, pitong pamilya o 30 tao ang nag-evacuate sa Eastern Visayas. Tatlong kalsada na rin ang lubog sa baha sa Mimaropa at Western Visayas. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.