Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

1 todas, 15 pamilya nasunugan

0 14

Patay matapos na ma-trap sa loob nang nasusunog nilang bahay ang isang lalaki kahapon ng madaling araw sa Ermita, Maynila.

Kinilala ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP) ang biktima na si Jose Nonie Gregorio, 50, taga-Arquiza St., Ermita.

Sa ulat, nagsimula ang sunog ala-1:04 ng madaling araw sa second floor ng 2-palapag na paupahang bahay sa 443 Arquiza St., sa Ermita, na pagmamay-ari ng isang Jasmine Liwanag.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago naideklarang under control alas-2:14 ng madaling araw.

Dalawang tahanan ang nasunog sa insidente at tinatayang aabot sa 15 pamilya ang naapektuhan.

Tinataya namang aabot sa P60,000 ang natupok na ari-arian.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. (Juliet de Loza-Cuda)

Leave A Reply

Your email address will not be published.