Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

1 tigok, 8 sugatan sa tumagilid na trak

0 93

Patay ang isa habang sugatan ang walo pa matapos tumagilid ang isang truck sa kalsada sa Lemery, Iloilo.

Kinilala ang nasawi na si Ryan Venus, 17-anyos, residente ng bayan ng Banga, Aklan.

Batay sa Lemery PNP, papunta sanang Sara, Iloilo ang truck subalit bigla itong nawalan ng preno dahilan para mawalan ng kontrol sa manibela ang driver.

Dahil dito, natumba at tumagilid ang truck sa kalsada.

Rumesponde naman ang mga awtoridad subalit agad nang binawian ng buhay si Venus dahil sa mga tinamong sugat.

Samantala, nagpapagaling na sa ospital ang iba pang sakay ng truck. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.