Una sa Balita

1 sundalo, 4 ASG member patay sa engkuwentro

0 377

TODAS ang isang sundalo at apat na mi­yembro ng Abu Sayyaf Group (ASG), habang siyam na sundalo pa ang sugatan sa naganap na engkuwentro ng magkalabang grupo sa Patikul, Sulu, Sabado nang hapon.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-Wesmincom) Spokeperson Major Arvin Encinas, sadyang hindi muna pinangalanan ang nasawing sundalo gayundin ang mga sugatan dahil aabisuhan pa nila ang pamil­ya ng mga ito.

Naganap ang eng­kwentro ala-1:40 nang hapon sa Sitio Tambang, Brgy. Kabbon Takas ng nabatid na bayan habang nagsasagawa ng operasyon ang militar, nang makasagupa nila ang tinatayang aabot sa 40 miyembro ng ASG sa ilalim ng pamumuno ni Hatib Hajan Sawadjaan.

Tumagal nang halos 30 minuto ang palitan ng putok ng dalawang panig na nagresulta ng pagkasawi ng apat na miyembro ng ASG at isang sundalo.
Nakakuha ang tropa ng militar ng ilang matataas na kalibre ng baril na pag-aari ng mga terorista.

Lumalabas na isang tip ang nakuha ng militar hinggil sa presensya ng mga Abu Sayyaf sa lugar dahilan ng agarang paglusob ng mga sundalo.

Ayaw na umano ng komunidad sa mga ASG kaya sa tuwing may namamataan ang mga residente na mayroong umaaligid na mga teroristang grupo sa kanilang lugar ay agad itong inire-report sa mga sundalo. (Edwin Balasa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More