Una sa Balita

$1 sa Venezuela, katumbas ng 3.5M litro ng gasolina

0 900

KUNG sa Pilipinas ay marami ang umaangal sa sobrang mahal ng petrolyo, sa Venezuela naman ay halos ipamigay na sa motorista ang gasolina.

Sa halagang $1 o P53, makakabili na sa Venezuela ng 925,000 gallon o 3.5 milyong litro ng premium gasoline.

Mas mahal pa ang itlog na nabibili doon ng $1.36 bawat isang dosena o kaya ay bigas na $1.30 ang bawat kilo.

Resulta ito ng pagtaas ng inflation sa Venezuela na umabot sa 1,000,000% ngayong taon.

Ang halaga ng bawat $1 ay katumbas ng 3.5 million bolivar. Ang Venezuela ay isa sa top producer ng langis subalit dahil sa palpak na pamumuno ay bumagsak ang ekonomiya.