Una sa Balita

1 patay sa karambola ng sasakyan sa Mandaluyong

0 348

ISANG motorcycle rider ang nasawi makaraang maipit sa limang sasakyan na nagkarambola sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City, Sabado nang umaga.

Naganap ang aksidente sa Shaw Boulevard-San Miguel Avenue intersection makaraang magbanggaan ang limang sasakyan kabilang ang isang motorsiklo na naipit at ikinasawi ng rider nito.

Base sa imbestigasyon, bumangga ang isang UV Express sa pampasaherong jeepney na kung saan ay nasa likod umano ang motorsiklo na minamaneho ng hindi pa nakikilalang biktima.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Mandaluyong Police kaugnay sa kaso. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy